"Mahal na mahal ko si Daine! :) Ahahaha. Wala lang. Just felt like I needed to shout it out. Pasensya na at ikaw yung nasigawan ko."
*******
Kyana: Don't do it.
MakMak: Shut up.
Kyana: You'll regret...
MakMak: *Sending message... [to Daine]*
Kyana: ...it. Hay... You're setting yourself up for another disappointment. Hindi ka na natuto.
MakMak: Trust me on this. Besides, I think hindi na ako ganung ka-apektado sa indifference niya. Sabi nga ng friend ko, wala lang...
Kyana: ... talaga ang sweet sa bokabularyo ni Daine. Bahala ka.
MakMak: *Sending message... [to Brandon]*
Kyana: Ang pathetic mo talaga!
MakMak: Shush!
*******
"Oops... Sorry, wrong send. Mwah! Tulog na talaga ako. Good night."
*******
MakMak: *Sending Message... [to Daine]*
Kyana: Uy, online siya.
MakMak: Teka...
*******
MakMak: Hey, online ka?!
Kyana: Tanong mo kung bakit gabi na at online pa siya. Tapos bakit nag-invisible siya.
MakMak: Invisible rin ako. Wag kang magulo.
Daine: Check lang ako ng mail.
Daine: Matulog na din ako in a while.
Daine: Masakit na din mata ko.
MakMak: Ok.
Daine: O sige, out na ako.
Daine: Night.
Daine: Good night!
MakMak: Ok.
Kyana: Hmmm...
MakMak: Stop.
*******
Brandon: Hahaha! Nakakatuwa naman yung message mo.
MakMak: Hey Brandon! Sa office ka na? Musta? :) Pasensya na hyper ata kaibigan mo eh. Hahaha.
Brandon: Sa office na ako. Uy, mukhang ang saya-saya mo ngayon ah! Ano nangyari ha?! ;)
MakMak: Ala naman. Gusto ko lang me mapagsabihan nun.
Kyana: Aminin...
MakMak: Tsaka dahil na rin sa selos.
Brandon: Oh? Kanino? Sa classmate niya?
MakMak: Dun sa bago niyang friend sa Friendster. Nilagay niya sa featured friends niya eh. :(
Kyana: Si Featured Friend sa Friendster, straight daw naman... if I know nakilala niya yun sa tambayan niyang channel sa IRC. Hihihi.
Brandon: Sus. Eh bakit ka nagseselos?
Kyana: Oo nga. Bakit?
MakMak: Ewan. Insecure lang siguro ako.
Brandon: Insecure?
MakMak: Wala kasi akong maibibigay except yung pagiging seryoso ko sa kanya. Hindi naman ako gwapo and all.
Kyana: Eh hindi din naman kagwapuhan si Featured Friend eh.
Brandon: Hello?! Ano tawag mo dun sa mga effort na ginawa mo?
Kyana: Hello?! Eh hindi nga marunong magpakita ng appreciation un eh.
MakMak: Eh basta, nagseselos ako.
MakMak: :(
*******
Brandon: Hey sorry. Antok na antok ako kaya nakatulog ako sa office. Wag mong isipin yun. Basta keep on being in-love. May edge ka sa kanila. :)
Kyana: Ano yun, edad?
MakMak: *Still sound asleep*
No comments:
Post a Comment