"Ang tagal mong maligo," bungad ni Prince paglabas ko ng banyo.
"Hindi bumubula yung sabon, eh. Parang ang lagkit pa rin sa katawan. Tubig dagat ata yung lumalabas sa
shower eh," reklamo ko habang naglalakad pasalubong sa kanya, palabas patungo ng
veranda.
"Nakakatakot dito no?"
Nadinig kong sinabi niya habang ako ay nasa labas ng silid at nagsasampay ng basang damit. Napatingin ako sa kakahuyan. Ito ang likuran n gaming silid. Nakakatakot talaga. Madilim. Masukal.
At kahit sa loob din naman ng kuwarto. Pawid ang bubong at dingding, pwedeng-pwede na lumusot ang dila ng manananggal, kung meron man. Ang sahig naman ay may salit-salit na butas na kung saan makikita mo ang silong. Habang naglalakad ka, hindi malayong maisip mo na may mata ka na lang na makikitang nakatitig sa’yo paitaas.
Tinrangka kong mabuti ang pintuan ng
veranda. Pati na rin yung bintana. Hayaan ko ng mainitan ako kaysa naman sa kung ano ang pumasok sa kwarto at saktan kami.
"Parang may buhangin kahit dito sa kama," sabi ni Prince habang nakaupo sa kama at nagsusuot ng puting
t-shirt na pantulog niya. "Pinagpagpag ko na nga pero ganoon pa rin."
"
Wow naman at nag-kusa na ayusin ang kama. Pero andaya mo. Diyan kaya yung side ko," sabi ko pagpasok sa loob ng kulambo. "Para naman ang
weird nito."
"Haha. Na-una ako, eh. Ayos nga, parang pang-mayaman lang na kama."
"Mayaman? Ang init-init kaya. At nasa iyo lang nakatapat ang
electric fan," sabi ko sabay tayo mula sa pagkakahiga para ayusin ang bentilador pero...
"Sira yan! Wahahahaha."
Bad trip. Ang init-init pa naman, as in. Bumalik na lang ako ulit sa kama.
"Lapit ka na lang dito sa lugar ko para matamaan ka ng hangin."
"Eh di nasikipan ka naman," sagot ko. "Saka lalong magiging mainit."
"Hehehe," tawa lang siya kasabay ng pagtunog ng kanyang
cellphone. May nag-
text.
Inabot ko ang
cellphone ko pero napabuntong-hininga ako noong nakita kong walang
signal.
Napatingin si Prince nang nadinig niya yun. "Wala ka pa ring
signal? Teka nga," tanong niya sabay patay ng
cellphone niya na marahan niyang binato sa nakabukas niyang
bag sa gilid ng kama. "O para pareho tayong walang babasahing bagong
message," dagdag niyang nakangiti. "Kaya ka malungkot kanina pa no?"
"Ha? Hindi. Hindi naman..."
"Oo kaya! Kanina ka pang tanghali walang imik." Tumagilid siya ng higa at nagpatuloy, "Kagabi lang ang saya mo nung nagkukuwento ka tungkol sa Tagaytay tapos ngayong umaga matamlay ka. Ano bang nangyari?"
"Wala naman. Pagod lang ako."
"Hay naku! O sige, ako na lang pakinggan mo..."
TO BE CONTINUED.