Wednesday, July 29, 2009

kwentong palaboy

"... saktan na kayo, andito lang ako, kami para sa'yo pero wag ko lang malalaman na kayo ang nananakit dahil pinalaki ko kayong maayos at may pinag-aralan..."
Nakakamangha.

Hindi ko inaasahang makasalamuha ng ganitong pahayag sa blog na pahapyaw kong binasa kanina. Kunsabagay, ang buhay ay puno talaga ng sorpresa, bawat sulok, bawat minuto, palaging merong nangyayaring di mo inaasahan.

Sa ibinahagi ng manunulat, aking naalala kung paano naging isa sa mga gabay sa pagpapalaki sa akin ng sarili kong magulang ang nasabing prinsipyo.

Hindi ito pagiging martir, o doormat. Malayong-malayo ako sa ganoong paglalarawan dahil hindi naman ako magpapatalo lalo na kung ako ang nasa katuwiran. Ngunit sa aking opinyon, inaasahan ako, o kung sino mang tao, na magkaroon ng kakayahan na kumilos ng naaangkop sa lugar, panahon at pangyayari. Inaasahan na manguna sa isipan ang pagbibigay respeto sa kapwa dahil ito ay pagbibigay respeto na rin sa sarili. Ang simple, di ba?

Nakakatuwa at meron talagang mga bagay na hindi na kailangan pang matutunan sa alinmang paaralan.

*******

Ito ay para kay T2 na natutuwa, kahit hindi nagkokomento, kapag nagsusulat ako sa Tagalog.

2 comments:

Jeybee Rondee said...

sino naman kaya yung t2 na yan? :D

ced said...

bat kay t2 lang? huhu