Tuesday, July 7, 2009

sa ilalim ng isang kulambo, unang bahagi

"O bakit ganito," tanong ko pagkapasok sa aming tutuluyang kwarto sa resort.

"Ah! Oo, sabi ni Larra kanina na isang kama lang daw pala," sagot ni Prince na kasunod kong pumasok sa silid.

Hay naku.

"Ayos lang yan," dagdag niya sabay higa sa kama. "Share na lang tayo."

"Malamang."

"Naman, parang ayaw mo ata akong katabi," banggit niya. "Mas gusto mo ata kasama si...," sabay bangon at kumilos na parang yung kasamahan naming niloloko niyang abnormal.

"Haha. Sira! Sumbong na kita talaga dun. Tara na! Nagugutom na ako," yaya ko habang papalabas ng pintuan ng silid.

Naghanda ng pananghalian ang staff ng resort. Nakakabusog. Sobra. Bumalik kami sa silid pagkatapos para magpahinga at magpalit ng damit pangligo. Matapos ang ilang minuto, tumungo kami sa tabing dagat. Di kagandahan ang panahon. Masyadong malakas ang alon ng dagat. Pero di pa rin kami nagpa-awat at sige ang paligo at pagtatampisaw sa tubig habang yung iba ay nagkukuwentuhan at kumukuha ng aming larawan.

Alas-kwatro nang maisipan kong magyaya na pumunta sa Puerto Galera mismo. Iminungkahi kong doon na rin kami mag-hapunan. Kaya pagkapalit ng damit, lumarga kami, sakay ng bangka, hindi alintana ang panganib ng paglalakbay sa ganoong panahon.

Sa awa naman ng Diyos ay nakarating kami sa aming destinasyon. Hatid-hatid naman ng tricycle, tinungo namin ang White Beach mula sa pier ng Puerto Galera. Doon lang ako nagka-signal.
Jay: Di nakakatakot sa boat? Maulan di ba?
Mak: Nakakatakot. Wala nga nag-aalala. Pati magulang ko. Grabe, as in.
Jay: Drama mo. Ako nag-alala. Ehehe. Tingnan mo tinanong kita.
Ang masama nito ay naubusan na rin ako ng baterya kaya hindi na ako nakasagot pa.

Alas-sais na rin kami natapos kumain ng hapunan. Yun din naman yung takdang oras na bumalik kami sa daungan ng Puerto Galera. Delikado na rin kasi mag-byahe kung aabutin ng kalaliman ng gabi kaya habang may konting liwanag pa ay sinimulan na naming tahakin ang daan pabalik.

TO BE CONTINUED.

3 comments:

DN said...

Hehehe. Hintayin ko muna 'yung ibang parts siguro before I can properly comment. ;P

wanderingcommuter said...

strangely enough but this somehow reminded me of TGIS: Takot ka ba sa DIlim the movie. hahahaha!

jbinx said...

Uy.. sino sya? Nweiz. D tlaga nawalan ng battery. Medyo masungit ka yta nung tym n un kya d k sumagot :-p