Thursday, July 9, 2009

sa ilalim ng isang kulambo, ikatlong bahagi

Naalimpungatan ako sa ingay sa labas ng aming silid. Tila mga yabag ng mga taong dumadaan. Nag-uusap. At tulad ng nakagawian ko na tuwing paggising, inabot ko ang aking cellphone para tingnan ang oras. Kaya pala, umaga na.

Ang sarap-sarap pang matulog, lalo na at masyadong pisikal ang nakalipas na araw pero napilitan na rin akong kumilos. Pinayuhan kami kahapon ng management na maaga umalis sa resort para maiwasan ang masamang panahon. Kaya kailangan masulit ang natitirang oras ng bakasyon.

Si Prince ay mahimbing pa ring natutulog kaya't dahan-dahan ang aking pagtayo mula sa kama.

"Ang aga pa..."

Mahinang winika ng bata. Marahil ay nagising na rin pero tulad ko ay tinatamad pa ring bumangon. Hindi naman siya kumilos kaya't nagtuloy na rin ako sa paghahanda.

"Labas lang ako ha. Iwan ko yung susi sa tabi mo." Pabulong kong binilin kay Princee na bumalik muli sa pagtulog sa ilalim ng kulambo, bago ako tuluyang lumabas ng silid.

Kasalukuyang nag-aagahan ang iba naming kasama nang datnan ko sila. Pagkatapos kumuha ng tinapay, palaman at maiinom ay dumiretso ako sa kanilang lamesa.

"Hindi kayo sumunod kagabi," hirit ng isa bago pa man ako maka-upo.

"Bakit ano meron kagabi," tanong ko pagkalapag ng plato ko sa lamesa.

"Tinawag namin kayo. Sabi niyo pa nga susunod na lang kayo pero wala naman," dagdag ng nasa tabi ko. "Kumakataok kami para yayain kayo."

"Hindi ko na maalala. Baka tulog na rin kami nung may sumagot. Hehe."

"Bonding moment pa naman yun."

"Ayos lang," nakangiti kong sinabi bago kumagat sa hawak na tinapay. "May nangyaring bonding din sa amin kagabi."

2 comments:

DN said...

isang katanungan: sino si prince? hehehe.

at anung bonding moment yan? LOL

Turismoboi said...

bonding? hmm!!!!!!!!!