"Oo, destiny talaga."
Iyan ang gusto kong isagot. Tinadhana talaga na mapanuod ko ang pelikulang mo. Sa totoo lang, sumakit ang ulo ko sa Paano Na Kaya. Ganun man, pinagpilitan ko pa rin na mapanuod ang Till My Heartaches End. Oo, ganun ka kalakas sa akin.
Hindi naman ako umasa na may take away ako sa pelikula. Tama na yung makita kita. Tama na yung marinig ko yung boses mo. Masaya na ako dun. Tamang kilig ba? Yun lang naman habol ko - ma-distract. Pero akalain mo, ikaw lang pala ang makakapagbigay liwanag sa akin. Well, ikaw saka yung ka-love team mo. Biruin mo, ilang beses ko ng inuntog ang sarili ko sa pader pero walang epekto. Sabi ko na nga ba mas matatauhan ako kapag sa dibdib ng mga tulad mo ako inuntog.
Wala sigurong eksena na hindi ako nasapul. Saktong sakto eh. Kulang na lang ay ako na ang makipag-dialogue sa'yo dun. Nakakahiya man sabihin (pero tayong dalawa lang naman makaka-alam di ba?) na kahit hindi ako napaluha eh sakit naman sa dibdib ang inabot ko sa drama niyong dalawa.
"Eh inuntog ka na pala, bakit ayaw mo pa ring tigilan," tanong ng pinsan ng ka-love team mo sa kanya pagkatapos mo siyang bulyawan. Ikaw na yung nanloko, ikaw na yung may kasalanan eh ikaw pa yung galit.
"Ayos ka lang ba diyan," tanong ng kaibigan ko.
"Lintek na destiny yan," bulong ko. Kung wala yung panyo ko sa kanang kamay ko, malamang duguan na yung palad ko. Naawa ako sa ka-love team mo. Dama ko ang bawat minutong siya'y nakatunganga. Nakatingin sa celphone. Naghihintay kung kailan ka magpaparamdam, kung kailan ka magso-sorry. Masakit. Tapos hindi pa maiwasan na maalala yung tamis ng nakaraan.
"Mahal mo ba ako?"Shet.
"Bakit mo naman sa 'kin tinatanong yan?"
"Kasi mahal kita, wag ka magalit tinatanong ko lang."
"Hindi naman ako nagagalit, tanungin mo naman ulit ako ako oh."
"Mahal mo ba ako?"
"Sobra, sobra sobra kitang mahal!"
Mas nakakalungkot. Mas nakakasakit. Ang hirap. Pumapatong pa yung pressure at problema na galing sa ibang aspeto ng buhay. Tsk. Wala talagang choice kundi maging matatag. Ganun naman talaga.
People meet by chance. People stay by choice. Those who stay are the ones who matter.
May mga tao talagang nawawala, umaalis sa buhay natin. Kahit anong pakiusap, kahit anong pilit, kahit anong dasal.
"Ayaw mo na ba sa akin?"Hindi natin kontrolado yun. Tanggapin man ito ay hindi ibig sabihin na hindi na pwedeng tumangis.
"Hindi mo na ba ako mahal?"
Buti na lang at nagpaka-lalaki ka at hinarap mo yung responsibilidad mo sa ka-love team mo. After all, minahal mo siya. Ganun naman dapat. Kung mahal mo ang isang tao, kung special siya sa'yo, dapat nirerespeto mo siya. Hindi naman maiiwasan na may masaktan pero at least, mababawasan yung sakit.
Sabi ko nga sa kaibigan ko pagkatapos ng pelikula, "I'd rather be hurt knowing the truth, than hurt and be clueless. Ang mali eh masyado lang nag-expect sa goodness ng tao, at masyado lang nagmahal. Di naman maiiwasan yan. Di ba nga, what's the point of loving if you can't love wholly?"
Pero hindi naman dapat magalit sa ginawa mo. People behave for their own reasons. One can't be mad for something that's beyond his control.
Tatlong taon. Siguro by then, okay na ang lahat.
Malaki ang naitulong ng Till My Heartaches End. Dahil dito, ang pelikula mo ang number one ko sa taong ito.
Salamat, Bok. Destiny talaga
Sabi ko nga sa kaibigan ko pagkatapos ng pelikula, "I'd rather be hurt knowing the truth, than hurt and be clueless. Ang mali eh masyado lang nag-expect sa goodness ng tao, at masyado lang nagmahal. Di naman maiiwasan yan. Di ba nga, what's the point of loving if you can't love wholly?"
Pero hindi naman dapat magalit sa ginawa mo. People behave for their own reasons. One can't be mad for something that's beyond his control.
Tatlong taon. Siguro by then, okay na ang lahat.
Malaki ang naitulong ng Till My Heartaches End. Dahil dito, ang pelikula mo ang number one ko sa taong ito.
Salamat, Bok. Destiny talaga
4 comments:
:) I love this post. Natawa ako pero gusto ko rin maiyak. Ewan ko ba. Basta, I enjoy reading this.
:)
i just saw this film. di rin ako naiyak pero nasapul ako. natawa lang ako kasi at different times, i was gerald and kim and then desiree and then even matet. nakakaloka. sapul yung dialogue and the ending was just right.
hahaha ikaw na si kim!!
hahaha pinanood ko to mag isa... wasn't expecting much pero sapul sapul din ahehe
Post a Comment