Wednesday, June 9, 2010

akap sa anawangin, ikalawang bahagi

Ilang minuto ang lumipas sa paglalakbay ay napansin namin na sobrang lakas na ng alon. Parang nakasakay lang kami sa Anchor's Away. Yung dulo ng bangka namin eh halos mag-dip na sa taas ng sumasalubong na tubig dagat. Actually, nag-panic na kami dahil sobrang tumatalsik na din yung tubig sa loob ng bangka namin. Hindi dahil sa kung ano pa man pero dahil baka mabasa yung mga camera naming nakalabas.

Maya-maya ay nagmungkahi si Manong Bangker, "Yun pong dalawang binata sa harap, palipatin natin dito sa likod para balanse tayo."

Nakatingin ako sa kanila at naghahanap ng binatang kikilos.

"Mak! Prince! Dito daw kayo sa likod," utos ng Boss.

Kung makautos naman 'tong matandang binata na ito. Mungkahi nga eh.

"Opo, Miss K," sagot ko habang gumawi kami ni Prince sa kabilang dulo.

"Grabe, ang init dito!" Naisip ko dahil nakatapat na naman ang aking kawawang balat sa araw.

"Konting pasensya lang po. Kaysa naman mapahamak tayo," sagot ni Manong Bangker.

Napatingin ako sa kanya. Sorry naman. Kala ko sa isip ko lang sinabi yun.

So ayun. Hindi ko alam kung ano yung epekto ng paglipat namin kasi magalaw pa rin at kakarag-karag pa rin ang motor ng bangka namin.

Dumating sa punto na ramdam ko na yung tensyon ng iba ko pang kasama. Nakakatakot naman kasi talaga. Napa-isip na rin ako. Kung sakaling tumaob man kami ay kakapit na lang ako sa kawayan or sa kahit anong lumulutang na bagay. Tapos may life jacket naman ako. Kaya na siguro akong tangayin ng alon papunta sa pinakamalapit na isla. Bahala na rin kung may isda or pating na dumikit-dikit sa paa ko.

Pero... paano kapag may jellyfish akong nadaanan? OMGEWW.

Napatingin ako sa kawalan. Nasa gitna kami ng dagat. Napakalayo mula sa mga isla. Wala pa ring patawad ang paghampas ng alon sa aming bangka. Marahil sa hinaharap naming sitwasyon ay nagkaroon ako ng moment of clarity:

"Lord, may reason po pala talaga lahat ng nangyayari. Ngayon alam ko na. Tama lang po pala na hindi ko pa nakikilala yung The One ko.

*ehemadmutwentyehem*

Ayaw ko po naman na malungkot siya kung may mangyari sa amin ngayon. Kapag spirit na lang ako, ayaw ko pong makita na umiiyak siya at nasasaktan dahil nawala ako kaagad tapos sandali pa lang kami nagkakasama. Parang mas malulungkot ako kapag nangyari yun.

Better na lang na ganito. At least hindi na madaragdagan yung iiyak sa pagkawala ko. Hayaan niyo na lang na may ibang makilala si One ko. Basta maging masaya siya."

Napa-isip ako hanggang sa tuluyan akong nakatulog. Nakakaantok kasi yung tunog ng motor at yung pag-ugoy ng alon. Naalimpungatan na lang ako nang feeling ko malalaglag na ako sa dagat. Dumaong na pala yung bangka sa dalampasigan.

Nawala kaagad yung kaba ng lahat. Ang ganda nga ng Anawangin. Ang daming pine trees, pero parang mas marami pa atang bakasyonista. Nagkalat sila...

Napako ang tingin ko sa may tindahan sa bandang kaliwa. May cuteness na umiinom ng soft drink. Nakatitig din.

“Lord, joke lang yung kanina ha."

Parang hindi na pine tree ang gusto kong yakapin.

2 comments:

lazy john said...

ahahaha grabe ambilis namang mawala ang moment mo lumipat ka lang ng pwesto... ahihihi

scarlet said...

true love comes when you least expect it :)