Its MakMak, Bitch!
I really don't know how to start this blog entry. Long overdue? Super tagal na nya nire-request sa akin ang mag guest writer daw ako dito sa blog nya.
Honestly? Hindi ako nagbabasa ng blog nitong kaibigan kong ito. Bakit? English kasi. Nakakadugo ng utak. Isa sya sa mga blogger friend ko na grabe kasi magsulat. Yeah yeah, I know, may mga tagalog syang entry pero ano kasi? Basta. Alam na niya yun.
I remember the time nung una kaming magmeet. Common friend namin ni Doc Ced itong si Mak. Matagal na syang blogger. Kung hindi ako nagkakamali, nauna pa sya sa akin mag-blog, meaning, MATANDA SYA SA AKIN at MATANDA NAMAN TALAGA SYA!!! LOL.
Birthday ni Doc Ced nun. Nagpa-dinner at hindi nagkuripot. Nagkakausap na kami dati nun ni Mak pero hindi sa blog kundi sa PLURK o kaya yung kapanahunan ng Yoville sa Facebook. Dun kami puma-party gamit ang mga SIMS namin.
Naging close lang kami nito nung pinaalam ko na sa blog ang tunay na ako at nung nalaman kong nagbabasa siya nung bago kong blog. Ilang beses na din kaming lumabas nito at ilang beses ko na rin namang napayuhan at nacyber-untog ang taong ito. Bawal pag-usapan at bawal itanong kung bakit. Sa aming dalawa na lang iyon.
Napakawalang kwenta pa rin nitong blog entry ko para sa anibersaryo ng blog mo. Pero gusto kong sabihin na napakalalim at ang saya ko dahil nakilala ko ang tao sa likod nitong ONE MINUTE BEFORE DAWN blog. Tuloy tuloy po nating basahin ang mga adventures at mga sinusulat ni Mak dito sa blog nya. Matuto tayo sa mga kwento nya at pakikipagsapalaran. Yakapin ang mga bagay na makabuluhan na mga isinusulat nya dito.
Happy Anniversary OMBD at congrat sa tatlong taon ng pagsusulat. :)
JPY DEE :)
*******
I wasn't able to greet my friend earlier this month when he celebrated his "first" year of blogging. So let me be the last one to give a shout out to jDee and DITC - Happy Blog Anniversary, bitch!
No comments:
Post a Comment