Matagal na din akong nagba-blog. Kung tutuusin, mga tatlong taon na din. Naaalala ko pa yung "Shatterstar". Yun yung una kong blog sa Friendster, na ang kausap ko lang palagi ay yung dati naming EIC sa school paper. Saglit lang nabuhay yung blog ko doon dahil nahihirapan ako sa pag-eedit. Milyong taon bago maayos ang format ng isang post. At wala akong tiyaga sa ganoon. LOL.
Tapos lumipat ako sa Blogger, "One More Shot" kasi sabi ko binibigyan ko yung sarili ko ng isa pang pagkakataon para makapagsulat ng maayos. Yun din yung mga araw na nami-miss ko ang pagsusulat. Sa linya kasi ng trabaho ko, nakaka-drain ng creative juices kaya kailangan ko ng outlet para mahasa ulit ang aking talento. LOL.
Ang alam ko meron pa akong isang blog na kasabay na ginawa ng "One More Shot" pero nakalimutan ko na ata yung pangalan. Sikreto kasing blog yun. LOL.
Pero dahil sa lumipat ako ng trabaho at naka-block yung Blogger sa bago kong opisina, napilitan akong lumipat sa Wordpress. Wala akong maisip na pangalan ng blog ko, eh nagkataon na ang pinapatugtog sa iTunes eh yung kanta ni Kelly Clarkson na "Can I Have A Kiss?" kaya ayun. Astig naman. LOL.
Medyo matagal din yung buhay ng blog kong yun. Pero tinamad na ako i-update noong bandang huli kasi parang wala naman akong na-aachieve sa ginagawa ko. Kaya napag-isipan kong tumigil muna sa pagsusulat. Kunwari lang. LOL. Sa totoo ay naging busy ako sa buhay-buhay. Sabi ko nga dati sa isang kaibigan, personally, napapabayaan ko ang blog life kapag nagiging maganda ang social life ko. Wink, wink. LOL.
Pero noong Disyembre ng nakaraang taon, nagkaroon ako ng personal problems at naisipan kong muling mag-blog para lamang maging labasan ng sama ng loob ko. Sabi ko this time, magiging mas totoo ako at open sa mga isusulat ko. Pero sa totoo lang, meron talagang mga bagay na kahit gaano mo kagustong isulat, hindi talaga puwede. Hindi lang dahil sa takot na ikaw ay ma-judge, pero para na rin maka-iwas sa gulo, o maka-iwas na makasakit ng damdamin ng ibang tao.
Ganun pa man, ang OMBD ay naging higit pa sa online diary ko. Sa araw-araw na pagbisita ko dito, naging parte na ng buhay ko na mag-isip ng maisusulat para sa aking kasiyahan. At sa paraang ito, nahasa ng mabuti ang aking kakayahan sa pagsulat. Maliban sa Filipino, dahil nahihirapan pa rin akong magsulat sa lokal na language. (Kaya naman kaso maarte lang talaga ako. LOL.)
Ngunit sa totoo lang, hindi ko inaakala na mabubuhay ang OMBD ng ganito katagal. Halos pitong buwan na din tumatakbo ang aking blog, at ngayon ay nakaka-dalawandaan na akong posts. Ang kinakatakot ko dati ay baka isa lamang akong ningas-kugon, sa simula lang masipag. Pero napatunayan ko sa sarili ko na kaya pala, basta pursigido. At parte na rin yun na may nagbabasa din kasi ng mga katha ko. Bonus yun - nakakatuwang isipin na merong nakaka-appreciate at nakaka-relate sa mga sinusulat ko (salamat! ^^,). At ang isa pang bonus ay marami akong nakakasalamuhang tao. It just proves na kahit gaano tayo ka-different, meron pa rin tayong connection at the most basic level.
Or charming lang talaga ako. LOL. Dyuk! Ehehehe.
*******
POSTSCRIPT. Pasensya na at ganito ang aking post. Mas komportable talaga ako magsulat sa Ingles. Arte! LOL.
At saka gabi na po. ^^, Excuses. LOL.
16 comments:
Hindi man ako magparamdam sa mybloglog mo o kaya naman ay hindi ako magcomment sa mga entries mo, lagi mong tatandaan na isa ako sa iyong mga tagasubaybay.
:)
Magandang umaga.
uy! Isa itöng magandang simula. Magaling ka naman pala sa Filipino e. wink :) isa rin itong patunay kung hanggang saan ka bilang isang manunulat. Tulad mo rin, hindi rin ako komportable magsulat sa wikang Tagalog sa kadahilanang hindi ito ang nakagisnan kong wika at feeling ko para akong sobrang arte kesa sa Ingles. :)
at ngayon ko lang din napansin na naka-201 posts na rin ako sa blog ko.
Ingat lagi.
meron ako blog dati, sa loob ng one year eh meron lang ako 6 posts hehehe
kaya proud na ako sa sarili ko na tumagal and odinhood ng halos 5months na may average na 1 post a week hehe :)
@mugen: Salamat Joms. Isa itong malaking karangalan. At ganoon din naman ako, lagi akong nadaan dun (kasi hindi lumalabas yung update mo sa blogroll ko... kung bakit ay hindi ko mawari).
Salamat, salamat.
@white: Salamat Kuya Whyt. Ang problema ko lang naman kasi sa Tagalog eh parang paulit-ulit yung nagagamit kong salita. Palibhasa ay limited lang ang bokabularyo ko sa Tagalog hindi tulad ng sa Ingles. LOL.
@odin hood: Uu, be proud at naka-5 months ka na. Mas matagal pa yan sa average relationship. Dyuk! Ehehe.
Salamat parekoy!
Nabagabag ako sa simula. Akala ko isa na naman itong pamamaalam. Buti na lang hindi. Nway, ipagpatuloy mo ang iyong pagsusulat. andito lang kami sa tabi, ang iyong mga stalker. lol!
i miss u
un lang!
200 posts? sipag mo naman! anw, aint sure kung normal to, pero may mga days na tinatamad na akong mag-isip kung ano ang isusulat ko.. kaya spur of the moment lagi pinapublish ko.
Congrats sa 200!!! isang feat yung makapagsulat ng ganoon karaming posts!!
@r-yo: Ahahaha. Ganun ba? LOL. Nakow, mas maraming "stalk-able" keysa saken. LOL.
Salamat sa pagtangkilik. :P
@turismoboi: Uy CJ! ^^, Hindi na kita naaabutan online. Text kita in a while.
@kris jasper van dyke: Adik tawag dun hindi masipag Kuya. LOL. Me araw naman na tinatamad talaga ako magsulat, or hindi kaya nauubusan ako ng oras kakaisip. Feeling ko ito na nga ang trabaho ko at hindi yung dayjob ko. LOL.
@gillboard: Uy salamat Gillboard sa pagdaan. ^^,
keep on blogging!
@coldman: Thanks! Will do just that.
Post a Comment