Sunday, April 6, 2008

ang kaartehan ni mak

Bata pa lang ako mahilig na ako sa sining (arts). Sa salita ng aking dearest mom, maarts na ako dati pa.

Naalala ko pa kapag pinagkukulay kami nung Nursery, yung sa akin yung me tatak na star tapos me kasamang "Excellent". Wala kasing lampas at saka pino yung pagkakalapat nung kulay sa papel. Yung tipong hindi pinudpod at inubos ang isang stick ng Crayola sa isang parte ng larawan.

Noong nagka-Lego naman ako, talagang kinarir ko ang pag-disenyo ng mga bahay at kung anu-ano pang structures. Gustong-gusto ko talagang maging Architect nun. Aliw na aliw ako. Lumilipas ang maghapon na yun lang ang ginagawa ko. Kaya nung medyo bata-bata pa ako ay maputi ako dahil hindi ako pala-gala sa kalsada. Hehe.

Dumating ang High School at ang mga naging kabarkada ko ay mga magagaling gumuhit talaga. Meron sobrang bihasa sa Japanese style. Meron din naman na eksperto sa Westernized cartoons. Bilib na bilib ako sa kanila. Si Roy nga, fellow X-Men fanatic, may portfolio siya ng mga X-Men sketches niya. Astig talaga. Hindi kasi kopya sa mga komiks o trading cards. Yun talagang pinag-isipan na pose. Naalala ko kinuha ko pa yung isang drawing niya ni Gambit at Rogue (favorite niya ung love team nila) nung tumambay kami sa bahay nila. Hehe. Hindi ko na naisoli kasi hindi ko na makita kung saan ko nailagay.

Sa mga anime naman, may kaklase ako na yun yung forte niya - si Mori (hindi ko naalala yung pangalan niya pero naaala ko siya kasi malansa yung amoy niya palagi. Sowee...). Walang ginawa un sa klase kundi mag-drawing nang mag-drawing. Sa awa ng Diyos, naka-graduate din naman siya.

Sinubukan ko din mag-drawing. Nakakasawa na din kasi yung puro stick figures lang ang laman ng sketch book ko. Parang ung ulo lang ang makukulayan dun eh. Tsaka yung background (na mga ibon at palayan at bundok at bahay kubo). Sa kasamaang-palad hindi talaga ako biniyayaan ng Diyos ng talent sa pag-drawing.

Ang kapal-kapal pa ng mukha ko at nung kolehiyo, ipinakita ko kay Songcy Wongcy, isang totoong "artist" ang mga gawa ko. Buti at mabait siya. At hindi laitera. Hehe. Nung nasa College Paper kami (siya ay naging Arts Editor namin), nag-conduct pa siya ng mini-seminar for her artists. Siyempre nakisali ako kahit ako ang natatanging writer doon. Tinuruan niya kami ng iba't ibang estilo sa paggamit ng mga medium (water color, charcoal etc.). Pagkatapos noon, nag-focus na lang ako sa pagsusulat. Wala talaga eh.

2005 noong nagkaroon ako ng Internet sa bahay. Nagkaroon ako ng mga kaibigan sa iba't ibang parte ng mundo dahil sa pagsali ko sa mga forum at online RPGs. Isa si Lina doon. Taga-Romania siya. Siya ang nag-introduce sa akin sa DeviantArt.com. Siya rin ang nagbigay liwanag sa akin tungkol kay Count Dracula. Hehe. Magaling siyang bata. Mahusay ang kamay. Siya ang artist sa grupo - in-charge sa pag-guhit ng mga characters namin sa RPG.

At ngayon, interesado na naman ako sa isang aspeto ng sining - Digital Arts and Photography. Sosyal. Hehe. Plano kong makabili ng DSLR ngayong taon na ito. Badtrip nga at naunahan ako ni G (pero ayos lang kasi nasasayang yung shock-proof, water-proof camera niya dahil wala naman siyang talent sa pagkuha). Yun kasing makalumang professional camera (yung me film pa) namin ay nasira noong officemate ko noong kami'y nagpunta sa Pangasinan. Hay. Nakaka-inis at naalala ko pa ang katangahan ginawa ni Paje.

Anyway. Ayun. Hangga't wala akong bagong camera, siguro makuntento muna ako sa celphone ko. Mapo-photoshop naman kahit paano. ^^

*******

POSTSCRIPT. Salamat kay Striker Rosales sa pag-inspire sa akin na i-post ang nakakahiyang mga likha ko. Salamat ha! (I must face my fears. Lol.) Buti na lang at konti lang ang na-scan ko. Ahaha.

At si Dennis po pala ang paborito ko sa Ghostfighter. Yan lang kasing tatlo yung medyo maayos at presentable. ^^

6 comments:

. said...

Siguro may idea ka na bakit Kitsune ang pangalan ng pinaka-cunning na personality ko. Ehehehe. Idol ko rin si Dennis, lalo na kapag naging fox na siya.

Muntikan ko na makalimutan ang mga isusulat ko. Halatang full blast ang response mo sa entry kong Mariah en Madonna ah. Wahahaha.

MakMak said...

@mugen: Aw. Hehe. Lahat ata si Dennis ang idol. Ako kaya ko siya gusto kasi maganda buhok niya. Lol.

Seriously, parang sa kanya ako nakaka-relate. Siguro dahil I see myself as cunning din (at times) at saka calculated talaga lahat ng moves ko. I make sure na lahat ng possible outcome na-consider ko para I will get the best result.

*******

At tsaka hindi po pag-retaliate to sa "Madonna En Mariah" entry niyo. I was planning to do this in time for her 18th #1 kaso na-delay dahil dun sa pictures. Nibago ko kasi ung design. Kaya ayun.

Saka balak ko sana i-celebrate ang April with a theme somewhat "Mariah-ish". Ehehe.

blackdarkheart said...

practice na lang pala kulang sa yo weh mapeperfect mo na. dati nakadrawing ako ng mga pokemon chars na talagang "perfect" sa sobrang tuwa ko nun drinowing ko din sa charcoal yung aso namin habang natutulog. maganda ang kinalabasan nya. Pero parang isang araw lang nag last yung"skill" na yun. DI na naulet muli...

Dabo said...

hay i miss sailor moon..

moon crystal power make up! lol. turn off ba? sobrang badet ha ha ha... i so love it it! naalala ko pa napapatalon pa ako imagining i was sailor venus (yun kamukha ni usagi/bunny, except na mas free flowing hair nya)

-- --

anyway, my interest in sketching started with sailor moon, bubbly and with those cute eyes, until i tried to create characters of my own, until i attempted writing stories/novel... and explored the gloomy part of life... of course with the theme of the ever gasgas--trying to save the world but cannot save themselves.

MakMak said...

@blackdarkheart: Madaming practice pa ang kailangan. Ahaha. Lalo na ngayon na sobrang dalang ko nang humawak ng lapis (o kahit anong panulat).

Yun nga lang mag-update ng organizer ko ang pangit-pangit na ng handwriting ko yun pa kayang drawing na huli kong ginawa nung 1999 pa.

MakMak said...

@davenport: Ahaha. Turn off? >> We were young. (That's always a good excuse. Hehe).

Buti na lang at hindi ko na-scan yung sketches ko ng Sailor Moon (actually kasi pangit, natutuwa lang ako sa damit nila). And like Dennis (of GhostFighter) gusto ko din si Sailor Venus (tsaka si Sailor Neptune) - mas okay kasi minsan yung mga supporting characters. Hehe. Saka gusto ko me Artemis.

*******

Wow! Nobela huh. Ako short story... o kaya tula pa lang bago ko matapos. Binabalikan ko nga yung isang nagawa kong storya (kung pede i-post) kaso ang korny sobra. Hehe.