Saturday, April 19, 2008

i'm like that ooo wee!

Nagising ako ng bandang alas-kwatro ng madaling araw kanina. Ewan ko ba kagabi pa ako restless kaya siguro mababaw at maikli lang ang naging tulog ko. Nabanggit ko nga yun sa isang kaibigan kanina at nag-offer siya na saksakan ako ng Prozac para pampakalma. Buti na lang at hindi na ako restless nung oras na yun. Takot kasi ako sa iniksyon. Haha.

Inabot din ako ng pagsikat ng araw sa pag-blog-hop. Inuulit-ulit basahin ang mga entries ng mga blog na suki ako, nag-iwan ng komento o mensahe sa ilan. Hanggang sa ma-bore ako sa pagtitig ng blanko sa monitor ng laptop.

Kaya naisipan ko na ring bumangon. Nadatnan ko si Mama na nagkakape pero hindi pa rin naman ako gutom kaya naupo muna ako sa hagdan at inabot ang diaryo na dala-dala ni Papa kahapon.

Tabloid lang kaya wala na akong aasahang quality news. Nilampasan ko na ang ilang pahina dahil ayaw ko na marinig si Mike Enriquez habang binabasa ko ang headline kahapon - "Produkto baka mawala sa mercado: GMA tutol sa Price Control". Buti na nga lang yun ang topic kasi parang nung nakaraang araw ang nakita kong banner story is "Isang Lola Tigbak Sa Kinakasama Ng Bading Na Anak". Walang ka-class-class.

Usually naman ang nakakaaliw basahin sa mga ganyang klase ng pahayagan is yung sa Showbiz. Wala rin namang usually substance yung mga report pero para lang me update ako sa local industry. Tulad na lang nung isang article - buhay pa pala si Anne Curtis? At sila pala ni Sam Milby? Sabi ng batang aktres, gusto na daw niyang magka-anak para pag-tanda ay halos magkapatid lang sila. Pero gusto pa rin niyang mag-aral kaya naguguluhan siya. Hmmm. Sige maglokohan na lang tayong lahat.

Nabago ang mood ko nung nadako ako sa Horoscope at nabasa ko ang nakasulat para sa sign ko -

Taurus:
Gusto ko niya pero wala siyang paraan upang ipaalam ito sa iyo. Ganito rin ang nararamdaman [mo] para sa kanya.
- Horoscope from a local tabloid dated April 18, 2008

Kung ikaw ba naman ang makakabasa niyan ewan ko na lang kung hindi ka talaga matuwa. O kiligin (mapapa-ooo wee! talaga. Haha.).

Naalala ko tuloy yung pinag-uusapan namin ni Kuya Jar nung isang araw. Magpunta daw kami sa Quiapo para magpahula. Sabi ko doon na lang sa Robinson's Galleria parang meron nanghuhula using Tarot cards. Ni-refer kasi ni Pinay sa akin yun pero hanggang ngayon hindi pa kami nakaka-dayo. Busy kasi sa work. Medyo me duda kasi ako sa mga fortune tellers sa Quiapo.

Hindi naman ako sobrang bilib sa mga Horoscope. Medyo mahaba para ipaliwanag pero sa "fate/destiny" ako naniniwala eh. Medyo me koneksyon pero ayaw ko nang palawakin pa.

Nakakatuwa mang isipin, pero panahon lang din ang makapagsasabi kung totoo ang mga sinasabi ng mga bituin.

Yuck. Haha.

Pero wala namang masama na maaliw di ba.

Eh paano kung ganoon nga? Nakakatakot. Pero ayos lang. ^^

Masayang kiligin. Lol.

2 comments:

Turismoboi said...

i wonder kung sino nirerefer ni horoscope

MakMak said...

@turismoboi: Aw. That makes two of us. Ehehehe.