ALL THE SINGLE LADIES, ALL THE SINGLE LADIES
"Ewan ko ba pero noong bata ako lagi nilang sinasabi na magiging madre ako. Lagi akong tinutukso ng mga tita ko, mga kalaro, pati mga kapatid ko na sa kumbento ang bagsak ko. Yun, kapag sinasabi nila yun napapa-iyak ako. Malamang kasi ayaw kong maging madre. Pero tuwing nababanggit nila yun, napapa-isip ako kung yun nga ba talaga ang kapalaran ko sa buhay.
Naalala ko pa nung 21 years old ako. Unang salang ko sa field work. Pinadala ako ng IS ko sa isang institution sa Antipolo kung saan nag-aaral yung mga pari, madre at ibang lay persons. Paghatid sa akin ng magaling kong IS, iniwan din ako. Yun pala, mag-isa lang ako sa engagement na 'to. Dahil first audit ko, hindi ko pa alam yung mga gagawin kaya medyo nakakabalisa. At siyempre, dumagdag pa yung isipin na teka, hindi kaya sign ito?
Kinagabihan, nagdasal ako sa Kanya. Sabi ko, kung ano man ang gusto Niya para sa akin, sana magbigay siya ng malinaw na senyales bukas ng umaga. Nakakalito na kasi, nakakalito kasi sa totoo lang, ayaw ko talagang maging madre.
Maaga akong nagising dahil maaga ang agahan. Malamang. Habang kumakain ako, nilapitan ako ng isang madre na may dala-dalang mga leaflets at flyers at kung ano pa man yun. Iniimbita ako na makipag-diskusyon tungkol sa buhay at "calling" pagtapos kumain.
Diyos ko.
Hindi ko na tinapos ang aking pagkain at madali akong bumalik sa kuwarto. Hindi na rin ako umabot sa kama dahil pagkasara ko ng pintuan, napaupo ako sa sahig at tumulo na lang ang luha ko. Kaya pagpatak ng 8:30, pumasok ako sa opisina na maga ang mata.
Hindi ko makakalimutan yun. Noong mga panahon na iyon, hindi ko masabi-sabi ang totoong dahilan kung bakit ako napa-iyak. Kasi kung sasambitin ko yun, parang tinatanggap ko na yun talaga ang tadhana ko. At obviously, gusto kong magka-pamilya. Gusto kong umibig.
Looking back, siguro nga sign yun ni God. Hindi sign na meant ako maging madre. On the contrary, sa inasta ko sa mga pangyayaring yun naliwanagan ako na hindi talaga ako para sa kumbento."
JM ended her story as she tucked her hair behind her ear.
"Sabi naman ng kaibigan ko, para daw akong damsel in distress…," Doll pouted her lips as she started to narrate her own.
TO BE CONTINUED.
I got gloss on my lips, a man on my hips, got me tighter in my Dereon jeans.
- Beyonce, Single Ladies (Put A Ring On It)
2 comments:
aba, ngayon ko lang nakita sa kauna-unahang pagkakataon na nagtagalog ka ha..galing
saka na ako magkokomento sa kwento na yan :)
@semaj captrik: Hahaha. Hindi ko ito first time nagFilipino. Meron ata noong August last year na isang linggong entry ko eh puro hindi English dahil, gerund! Linggo ng Wika. LOL.
Ang korni. :) Pero meron talaga, nosebleed nga ako dun. Hehe.
Post a Comment