Binagtas ng aking paninginAng kadiliman ng gabi,
At binasag ng alulong
Ng asong kalye ang katahimikan;
Ngunit sa ganitong pagkakataon
Ay mas nabibingi ako sa mga boses
Na gumagambala sa aking isipan.
Patuloy ang pagkaluskos ng mga dahon
Sa tuwing iihip ang hanging habagat,
Habang ako'y nanatili sa sulok ng dampa
At naaalala ka, nag-iisip
Kung ikaw ba ay natutulog ng mahimbing
Sa ilalim ng mga bituin ngayong gabi.
Dahil akoy ay andito pa -
Piit sa aninong pinag-iwanan mo.
No comments:
Post a Comment