Wednesday, August 20, 2008

(masaya na ako sa) pokey ko

Chad: Alam mo pinaka-fave ko, sa lahat ng bagay? Naisip ko lang yun kanina.
MakMak: Ano?
Chad: Kapag may bata o baby na nakikipag-titigan sa'yo. Yung tinitingnan ka.
MakMak: Hmm. Gusto ko din yun. I love kids. I love babies.
Chad:
You want to have one?
MakMak: Oo naman.
Chad: Let's make one. Hehehe.
MakMak: Wahahaha. Naalala ko tuloy yung sa
Mall Of Asia.
Chad:
Ano meron?
MakMak: Kasi I was having dinner with a friend.
Chad:
Tapos?
MakMak: And yung katabi namin, may baby na cute. Nakikipaglaro sa akin. Natutuwa din yung mom kasi tumatawa talaga yung bata.
MakMak: Inis na inis sa akin yung kasama ko.
Chad: Hahaha.
MakMak: Bakit ko daw ine-entertain.
Chad: Bakit naman? Inggit lang yun kasi siya hindi pinapansin.
MakMak: Sabi ko nga, "Bakit hindi, yaan mo mamaya kaw lalandiin ko." LOL.
Chad: Haha. Ganun yun.
Chad: Kasi kahapon daming babies na nakatitig sa akin.
MakMak: Iniisip nila, "Sino kaya 'tong mama na 'to?"
Chad: Ang wafu? Haha.
MakMak: Ahahaha. Alam na nila ang salitang "wafu" ha.
Chad: Di, sabi nila kapag daw lapitin ka ng bata, malakas ang appeal mo. Hehe.

MakMak: Aw.
Chad: Haha. Totoo yun. Kasi hindi ka nila kilala. Ayun.
MakMak: Haha. Pero hindi ako medyo maniniwala.
Chad: Sa bata? Naman, proven na. Napatunayan ko na eh.
MakMak: Flaw lang yan sa universe. Hehe.
Chad: Ahahaha. Loko kaw.
*******

Noong nakaraang taon, noong madalas pa akong mapunta sa Megamall, gustong-gusto kong dumadaan sa Bio Research. Tuwang-tuwa kasi ako doon sa mga aso na naka-display malapit sa salamin.

Sa sobrang tuwa ko nga ay nagbalak pa akong bumili. Nag-ipon ako, para pagdating ng Christmas bonus, sakto na yung pera ko para mabili yung asong nagustuhan ko. Nag-isip na ako ng ipapangalan, pati yung mga plano ko na paglalakad sa kanya tuwing umaga, lahat yun. Nakaka-excite.

Nakapag-paalam nako't lahat kay Mama (kasi ayaw nila sa bahay ng aso, dahil nangangagat daw). Ginawa ko yun noong agahan at nagkukuwentuhan kami tungkol sa kapitbahay naming nabuntis.

"Ma, gusto ko ng aso."

"Bahala ka. Hindi ako mag-aalaga niyan kapag nasa opisina ka."

"Bibili ako ha."

"Itatabi mo yan sa pagtulog mo."

"Ok lang. Kung ayaw mo sige, baby na lang i-uuwi ko dito. Hehe."

Sa madaling salita, napapayag ko din. Pero nung napasyal ulit ako nung sumunod na Sabado, wala na yung aso na gusto ko. Tinanong ko sa doon sa mga tao sa loob pero may nakabili na daw (malamang!). Nakakalungkot. Kala ko para sa akin talaga yung doggy na yun.

Kaya ayun, yung inipon ko ay pinang-bayad ko na lang doon sa Palawan trip namin. Yun na rin yung ni-regalo ko doon sa aking kaibigan. Pumayag siyang sumama kasi sabi niya alam daw niya na nalungkot ako doon sa aso. As if!

Isang araw ng Disyembre, habang kami ay nag-aagahan ni Mama:

"Ma, punta ako ng Palawan ha. Gamitin ko yung 13th month. Nakabili na kami ng ticket."

"O kala ko ba bibili ka ng aso?"

"Hindi na lang. Baby na lang. Meron na pagbalik namin. Hehe."

16 comments:

vErAdiK said...

ang kulet mo Mak! mas makulet kpa ata sa mga babies e! lolz

ay tama ka nga, its not ur fate mag alaga nang doggy-doggy... at ang kapalaran mo ay mag uwi nang baby sa bahay nyu... ayun, sigurado ako... matutuwa ang mama mo!

kaya mag-hanap kna nang ka-doggy mo, nyahaha! oooppssss, sagwa nun! churi! inabot ako nang topak dahil sa kakulitan mo!

ingats ka mak! :)

. said...

MakMak: Oo naman.
Chad: Let's make one. Hehehe.


Uy foul to. Sino si Chad? Yihee!!

ika said...

kainis, nangyarin na rin sakin yan.

dun sa megamall din, may nakita kaming puppy na parang, yung parang soulmate mo siya. kahit sa mom ko approve. andalas namin binabalikan kase wala naman talaga kaming ganung pera. ayun, hanggang may nakabili na sa kanya.

nakaklungkot.

† Yods† said...

ahaha. lagot, magkakababy ka na pagkagaling mong palawan.

ako din gusto ko ng aso, may naisip na din akong name niys. sana nga sa pasko may aso na din ako. ehehe

alam mo ba daw ba ibig sabihin pag ay mga baby na nakatitig sa yo? ibig sabihin daw malakas ang appeal. nabasa ko yun dati, kasi daw ang mga baby wala pang muwang at madalas daw mas nagugustuhan ng mga baby yung mga malakas ang appeal kasi nararamdaman nila yun. kaya naman hindi nakakapagtaka na madami ding baby ang tumititig sa akin. ahaha. feelingero na naman ako. susme!

MakMak said...

@veradik: Ahaha. LOL. Magugulantang si Mama for sure kapag nag-uwi ako nun. :P

Wui! Si Ate Vera... bata pa po ako. Bawal yun. LOL. :P

MakMak said...

@mugen: Aw. Hindi naman. Chad's a good friend and a confidant. So walang yihee factor. LOL.

MakMak said...

@ika: Ang mahal kasi ng puppies eh no. Sana nga may magbigay na lang saken diyan. Sana may makabasa nito at ma-apektuhan. Ehem ehem. Hahaha.

MakMak said...

@yods: Apir! Ahahaha. Parehas tayong feelingero. LOL.

Ano ipapangalan mo sa aso mo? Hulaan ko din ba?

Saka tapos na yung Palawan. Hinihintay ko na lang na magsabi. LOL. :P Dyuk.

atto aryo said...

"Ok lang. Kung ayaw mo sige, baby na lang i-uuwi ko dito. Hehe."

Akala mo naman takot ang mama mo na mag-uwi ka ng baby. Feeling ko mas gugustuhin nya yun kesa sa yo. Kulit mo e. :-)

gillboard said...

ang sarap kaya mag-alaga ng baby... mahirap... pero masaya pag nakikita mong natutuwa sayo yung bata...

gusto ko nang magkaanak!!!

Anonymous said...

hmmmm...

Anonymous said...

natawa ako sa comment ni yods.
tsk!
feelingero eh,hahaha!

at isa ka pa.
ahaha!

nga pala..san na ung baby na made in Palawan?

MakMak said...

@r-yo: Ahaha. Nde no, mahal ako ng aking ina. Hindi ako pagpapalit nun. Kahit sa apo pa. Ata. Haha.

MakMak said...

@gillboard: Oo naman, masaya sa bahay yung may bata. Nakakawala ng pagod.

Wag lang sila iiyak. :P

MakMak said...

@ced: Bakit po?

MakMak said...

@teresa: Ahahaha. Hindi na pinakita saken yung baby eh. Sa kanya daw yung custody. LOL.

Dyuk!