Buti na lang ay may katabi ako sa kanan. Si Jela, na puno ng makukulay na Post Its ang lamesa. Kasalukuyan siyang namimili ng kanta sa kanyang Media Player. At in-assume ko na music lover siya kaya kahit nahihiya ako, tinanong ko siya, "Mahilig ka din sa music?".
Tumango siya at nagsabi na mahilig siyang makinig sa mga alternative songs. Rakistang babae. Hehe.
"Eh sa Post Its, mahilig ka?" Joke lang yan tanong na yan. Hehe. Ngayon ko lang naisip. LOL.
Ayun. At nang nalaman ko na schoolmates pala kami, lalo akong nag-FC (Feeling Close). Di tumagal ay kabatian ko na siya at kakwentuhan. Mahilig din siya sa mga TV shows tulad ng Dawson's Creek (Bleh!), Meteor Garden (Yay! Sabay lingon kung may nakarinig.) at American Idol (Oh yeah!). Actually siya ang nag-introduce sa akin ng site na Television Without Pity at saka doon sa ibang sites na related sa Hollywood. Book lover din siya (nasa akin pa nga yung Historian, good luck sa pagbabasa. LOL.) at sobrang dami niyang libro. Siya ang taga-sabi kung may Bodega Sale ang Powerbooks, pero sa kasamaang-palad hindi rin kami nakakapunta. We're like busy, you know. LOL.
At sa araw-araw naming pagkukuwentuhan mula pagpasok, pagkain ng tanghalian, merienda, yung madalas na pagtambay sa Starbucks sa Greenbelt 1, at ang walang katapusan na tsismisan (about _ _ _ _) sa e-mail (kahit magkakatabi lang kami sa upuan), ewan ko na lang kung hindi pa kami maging close. Masayang kasama si Jela dahil hindi kami nauubusan ng pag-uusapan. Palibhasa smart attracts smart. LOL. Parang masungit attracts masungit. Or cute attracts cute. Yan, ganyan kaming apat na magkakaibigan. LOL.
Masaya ako at naging isa sa mga matalik kong kaibigan si Jela. It would have been a lot different kung tatlo lang kami ni Bom at Jen. It would have been a lot less fun. Aw. Hindi ko na binanggit pa kung gaano siya kabait at ka-talentado kasi baka lumabas na nambobola lang ako, kahit totoo naman... yung sinasabi ko.
*******
Si Jela ay kasalukuyang nag-didiwang ng kanyang kaarawan. Hindi ko alam kung ilang kandila ang ipapalagay sa keyk kaya hindi na lang yun ang ibibigay namin sa kanya. Hindi ko rin naman naitanong kasi parang walang tumatanda sa aming apat. Haha. At inaabangan ko ang Lunes, kung kailan siya ay maghahandog muli sa amin ng isang awitin mula sa The Pussycat Dolls. LOL. Ngayon ay tatandaan ko nang i-record ang lahat, tapos i-upload natin sa YouTube. Haha.
Maligayang Kaarawan! :P
Paki-bati naman siya kung may panahon kayo. LOL.
6 comments:
Nyay! Ngayon ko lang nabasa ito! Salamat! Feeling ko tuloy isa akong espesyal na tao! Yuck, I can't write Tagalog well the way you do nyahahaha...
Buti na lang hindi mo sinabi na nung una mo ko na-meet eh me mga panahong bigla na lang akong umiiyak! Hahaha!
Thanks for the prensyip! I'll see you on Monday!
happy birthday sa friend mo.
happy birthdei!
have a nice weekend! :)
@jela: Ahaha. Special naman tayo lahat eh.
Sus, nosebleed ako sa pagsusulat ng Tagalog. It's so hard, you know. LOL.
Actually, hindi ko na sinabi yun kaso ikaw naman ang nagbanggit dito sa comment.
See yah!
X's and O's. :P
@teresa: Ang sigla sigla naman ng pagbati mo. :P Salamat!
@veradik: Ate Vera, salamat po! :P Ikaw din, happy weekend.
Post a Comment