WE WERE BOTH YOUNG WHEN I FIRST SAW YOU
"Ganito kasi yun..."
Madalas na nakakasabay ko siya sa jeep kapag alas-otso na ako pumapasok. Malamang pang-alas nuwebe siya kaya ganoong oras ang biyahe niya. Eh hawak ko naman ang oras ko kaya wala sa akin yung ma-late ng kaunti.
Napapansin ko na siya noon pa. Medyo may hitsura kasi. Maganda ang postura. At malamang mahilig din sa musika kasi palaging naka-earphones.
Noong minsan ay nailabas niya yung kanyang ID. Gusto ko sanang makita yung pangalan niya, or kahit kung saan siya nagtatrabaho pero nakabaligtad kasi noong sinuot niya. Ang alam ko lang ay nauuna siyang bumaba sa akin at naglalakad siya papalayo mula sa aking opisina.
Isang Biyernes, napansin kong naiwan niya ang kanyang asul na panyo sa upuan noong bumaba siya. Noong una ay nag-alinlangan pa ako pero naisip ko na nasisira ang araw ko kapag wala akong panyo. Kinuha ko yun at bumaba sa jeep. Buti nalang at nahabol ko siya.
Sabi ko, 'naiwan mo oh'.
Sabi naman niya, 'ay, thanks ha' habang nakangiti.
'Wala yun. Sige." Paalam ko sa kanya sabay talikod para maglakad patungo sa aking opisina, suot ang isang ngiti.
Naging busy ako nung mga sumunod na araw kaya maaga ako umaalis sa bahay at dahil dito, hindi ko siya nakakasabay sa jeep. Medyo nawala na rin sa isip ko yung insidente sa panyo kaya nung minsan na nahuli ako ng pagpasok, nakita ko siya na nakatayo sa kanto, tila nag-aabang, kahit halos wala pang sakay ang jeep na naghihintay.
Nakita niya ako sa aking kinakatayuan, lumapit siya sa akin at nagsabing, 'uy, salamat ulit doon sa panyo ha. Hinintay kita nung mga nakaraang araw pero hindi kita naaabutan dito.'
Isang umaga, sa gitna ng abalang kalye ng siyudad, doon sa sakayan ng jeep, doon kami nagkakilala.
Romeo, save me. I've been feeling so alone. I keep waiting for you but you never come. Is this in my head? I don't know what to think.
- Taylor Swift, Love Story
2 comments:
Hmmm... This seemed like the 'unfinished' story you told me a few days ago--- only now it has an ending. SWEET!
@sensei jery: Hehehe. Hirap magkuwento sa text eh. Sorry naman. :)
Now you know kung bakit ako naging busy lately. Hehehe.
Post a Comment