Paminsan-minsan ay nababanggit ko na mas gusto kong mamatay na bata (at cute), pero hindi bago na maibigay ko ang lahat ng pangangailangan ng aking pamilya. Ang weird no, pero naiisip ko talaga yun. At saka, kung mapipili ko man kung paano ako mamamatay, gusto ko yung may drama, gusto ko heroic yung pagkamatay ko. Yun tipong may sasagipin akong batang masasagasaan ng bus, o ilalabas na tao mula sa nasusunog na gusali, o ako yung sasalo ng bala ng baril na para talaga sa isang mahal sa buhay, o kung may kailangang i-sakripisyo para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Yun mga tipong ganun. Pero sana, hindi masakit. Kung hindi man mangyari ang mga iyon, okay na sa akin yung natutulog lang at hindi na magising. Ayaw kong maghirap, at mas lalo kong ayaw na makita ang aking mga mahal sa buhay na naghihirap para at dahil sa akin.
Alam kong hindi biro ang mga ganyang usapin. Marahil ay abstract pa kasi sa akin ang isyu ng mortalidad ng tao. Hindi ko pa lubos na alam (at wala rin akong balak intindihin) kung paano ba ang may mamatayan. Nakakatawa man pero mas nalulungkot ako sa mga palabas na pinapanuod ko kapag may namamatay na bida (o kahit kalaban). Pero sa totoong buhay, wala akong maipakita na emosyon. Marahil ay dahil sa ilan pa lang naman ang pumasakabilang-buhay kong kakilala.
Lumaki ako sa idea na mananatili sa aking piling ang mga taong nakapaligid sa akin - pamilya, kamag-anak, kaibigan at kaaway. Pero ang pangyayari kahapon ang nagpa-alala sa akin na ang tao ay may finite na taong binigay sa kanya ng Diyos para mabuhay, matuto at magmahal; at walang sinumang makakapagsabi kung kailan at paano ito magwawakas.
Lahat tayo, sa nakatakdang panahon, ay darating sa punto na iyon. Malungkot mang sabihin pero yun ang realidad. Pero sa totoo lang ay hindi mahalaga kung sa kamatayan ang tungo nating lahat dahil minsan, madalas, mas mahalaga ang aktwal na paglalakbay kaysa sa patutunguhan.
*******
Si Ate Tekon ay 56 years old lamang. Nabanggit pa niya sa amin na sa susunod niyang kaarawan ay magpapa-misa siya, magpapasalamat na naka-abot siya sa edad na 50.
Noong Linggo ng gabi, panay ang pakikipaglaro nito kay Raymond, ang kanyang alaga, kahit dis-oras na ng gabi.
Noong Sabado, kinausap niya ang kanyang kapatid at nagsabi na siya ay uuwi na sa bahay nila sa Martes (dahil nakikituloy lamang siya kina Ate Rose pansamantala).
Noong Biyernes ay dumalaw siya sa opisina ng panganay niyang anak ng walang pasabi, kinukulit ito kahit may trabaho.
Nakakabagabag.
12 comments:
I too wished that everyone lives forever. I miss those people who really cared and loved me.
haaayyy so true mak2
this is one of the sad realities, but hey who know pwede tayo mag rakrakan sa afterlife?
sana ay maging oks na sya.
pagpray natin kuya!
ako gusto ko mamatay na cute. yaw ko ng mejo old na. hehe.
pero masama akong damo e. hmmm...
matatagaln pa to. hehhe
ang iniisip ko lang sa kamatayan... eh kung sakaling dumating ang panahon, gusto ko lang malaman kung may pupunta sa burol ko...
pero di ko masyado iniisip yan... ineenjoy ko lang ang buhay... na dapat ginagawa nating lahat... harhar
@kris jasper van dyke: Aw. Nandito naman kami ah. :-)
@levuiqse: LOL. Ayaw kong isipin masyado kung ano meron sa afterlife. Feeling ko hindi ako sa langit pupunta. Hehehe. Joke.
@my-so-called-quest: Oo nga. Pero sana mangyari yung makakabuti sa kanya. Kung kailangan na niyang magpahinga, okay na yun.
Kaya nga parang nagkaroon ako ng option. Hot namang maging vampire diba? LOLs.
@gillboard: Tama ka jan, naisip ko rin yun. Masaya man isipin kung ang buong mundo ang magluluksa sa aking pagpanaw. Pero okay narin na ung pamilya ko at ung mga kaibigan ko.
minsan ko na din pinangarap yan... then narealzie ko sa bndang huli, kaya lang pala gusto ko mamatay ng bata eh dahil a natatakot akong mapag iwanan at maradaman yung extreme pain dahil may iang tao na hindi ko na muli makikita... yun lang nashare ko lang po...
Nagbigay na pala siya ng hints ng pamamaalam... Heto ang nakakatakot at nakakalungkot, kapag hindi natin napapansin yung mga hints na iyon.
@wanderingcommuter: May point ka sa sinabi mo. :) Siguro on some level, yun ang iniiwasan ko, yung maiwan na mag-isa.
@mugen: Totoo no? Kaso paano naman natin mare-realize yung mga ganoong sitwasyon. Kailangan ba vigilant tayo palagi?
Post a Comment