Sunday, March 9, 2008

bulalakaw

Minsan na kitang nasilayang gumuguhit
Sa payak na kalawakan
Ng nakasisilaw na liwanag, dala-dala
Ang pag-asa sa bawat kaluluwang
Tulad ko
Na hindi makuntento;
Tumatangis, sa paghiling
Sa mga rangya ng mundo.
Ngunit sing-bilis ng iyong pagdating
Ay ang iyong paglisan,
Dahil sa isang kisap-mata
Ikaw ay naglaho.

Marahil ay napadpad ka sa ibang dako ng alapaap
Kung saan may nilalang na mas malaki ang kawalang
Kailangang mong punan.

4 comments:

Dabo said...

my fascination with comets as thing beyond celestials began after reading No Me Ames (Jlo/Marc Anthony) lyrics

it said like two comets on the same path


wahhh..korni ko talaga. love the poem.. i like to dig deeper pero wag na lang..

MINK said...

mak gusto ko yung linyang:

Marahil ay napadpad ka sa ibang dako ng alapaap...

may emotional chord na umantig sa akin

MakMak said...

@davenport: Wow! Salamat! ^^ Okay lang magpakakorni, hindi ka nag-iisa. Ahahaha. And you can "dig deeper", baka better yung comprehension mo dun sa poem and makatulong pa saken sa mga susunod na tula. Thanks ulit.

MakMak said...

@mink: Salamat din po mink! Ako din, gusto ko yung part na yun.