Gumuguhit nang dahan-dahanSa aking balat
Ang mga gabutil mong patak,
Na pilit nagpapaalala
Sa nalalapit nating pagsasalo.
At patuloy ang pagbulong
Ng banayad na hangin,
Alinsabaay sa pag-indayog ng
Mga halaman sa paligid.
Dumadampi ang iyong mga halik
Sa aking basang mukha,
Nagbabadyang ika'y
Nariyan na.
Ngunit tulad ng dati,
Dala mo pa rin
Ang malamig mong yakap
Na pilit naglalayo
Sa ating dalawa.
Muli, ipagdarasal ko
At hihintayin
Ang iyong pagtila
Dahil manhid na ako
Sa mga mabababaw mong luha.
No comments:
Post a Comment